Ang Anino ng Buhay
ANG BUHAY SA MUNDO
Katotohanan, itong buhay sa mundo ay walang iba kung hindi isang (panandaliang) kasiyahan lamang, at katunayan, ang Kabilang Buhay ang siyang tahanang mananatili ng walang hangganan
.
(Pagkasalin ng Kahulugan ng Qur’an 40: 39)
At ipakita sa kanila ang halimbawa ng buhay dito sa mundo: ito ay katulad ng tubig (ng ulan) na Aming ipanadala mula sa kalangitan, at ang mga pananim ng kalupaan ay naghalo dito, at (ang mga ito ay) naging sariwa at luntian. Subalit (hindi magtatagal) ito ay magiging tuyot at masisira at ikakalat lamang ng hangin. At ang Allah ang tanging nakakagawa ng lahat ng bagay. Ang kayamanan at ang mga anak ay mga palamuti lamang nitong mundo. Subalit ang mga mabubuting gawain na tumatagal ay mas mabuti sa inyong Panginoon para sa mga gantimpala at mas mabuti para sa pag-asa.
(Pagkasalin ng Kahulugan ng Qur’an 18: 35- 36)
Sinabi ng Propeta :
Ano ang aking gagawin sa buhay na ito? Ang parabola tungkol sa akin at sa buhay na ito ay ang parabola ng isang manlalakbay na nagpahinga sa lilim ng isang puno at pagkatapos siya ay lumisan.
Ahmad bin Hanbal, Tirmidhi, Ibn Majah
Al-Hakim and al-Albani rendered it Authentic
Dapat ninyong malaman na ang buhay dito sa mundo ay laro at katuwaan lamang, karangyaan at paghahambog mula sa inyong mga sarili, at paligsahan sa dami ng kayamanan at mga anak. Ito ay katulad ng mga pananim pagkatapos ng ulan, at ang pagtubo ng mga ito ay nakakapagbigay ng kaligayahan sa nagsaka; pakatapos, ang mg aito ay matutuyot at makikita ninyong ito ay magiging dilaw, at ang mga ito ay magiging dayami. Subalit sa kabilang buhay matatagpuan ang pinakamatinding kaparusahan (para sa mga walang pananampalataya) at (mayroong) kapatawaran mula sa Allah (para sa mga mananampalataya). At ang buhay dito sa mundo ay isang mapandayang kaligayahan.
(Pagkasalin ng Kahulugan ng Qur’an al-Hadid 57: 20)
Pinaganda sa mga tao ang pagmamahal sa mga bagay na kanilang hinahangad: mga babae, mga anak, maraming ginto at pilak (kayamanan), kilalang magagandang mga kabayo, mga kawan ng mga baka at sinakang lupa. Ito ang kasiyahan ng buhay sa mundo ngayon; subalit nasa Allah ang pinakamabuting gantimpala (paraiso na dinadaluyan ng mga ilog).
(Pagakasalin ng Kahulugan ng Qur’an 3: 14)
Sabihin: “Ipapaalam ko ba sa inyo kung ano ang mga bagay na mas mabuti kung ihahambing doon? Para sa isang Mutaqqun ay mga Hardin (Paraiso) ng kanilang Panginoon, at sa ilalim ng mga ito ay may mga ilog na dumadaloy. Doon (ang kanilang) walang hanggang (tahanan) at
Azwajun Mutahharatun (mga dalisay nilang kabiyak at mga asawa). At ang Allah ay matutuwa sa kanila. At ang Allah ang nakakita ng lahat tungkol sa (Kanyang) alipin.
(Pagkasalin ng Kahulugan ng Qur’an 3: 15)
At dapat ninyong malaman na ang inyong mga pag-aari at ang inyong mga anak ay tanging mga pagsubok lamang at katotohanan, nasa Allah ang lubos na gantimpala.
(Pagkasalin ng Kahulugan ng Qur’an 8: 28)
At huwag ninyong pagurin ang inyong mga paningin sa paghangad sa mga bagay na Aming ibinigay para maging katuwaan ng ibang grupo mula sa kanila (mga sumasamba sa iba’t-ibang diyos-diyosan, mga hindi naniniwala sa kaisahan ng Allah), ang karangyaan nitong mundo ay Aming ginawang pagsubok para sa kanila.
(Pagkasalin ng Kahulugan ng Qur’an 20: 131)

Ang Huling Araw ay paparating, subalit ang mga tao ay nanatiling naghahangad na makamit itong buhay sa mundo at sila ay patuloy na lumalayo sa Allah.
(al-Hakim)
Life is a Fading Shadow,
Abdul Malik ibn Abdur Rahman al-Qasim, p.9
Nilalaman ng Mundo
1. Babae
2. Mga Anak
3. Kayamanan (ginto at pilak)
4. Sasakyan (magagandang kabayo)
5. Negosyo (mga kawan ng baka)
6. Ari-arian (sinakang lupa)
At kung sinuman ang maghahangad na makamit ang buhay dito sa mundo at ang kaligayahang dulot nito, ibibigay Namin sa kanila (ng buo) ang kanilang mga sahod dito ng walang bawas. Sila ang mga taong walang makukuha sa Kabilang Buhay maliban sa Apoy; at walang maidudulot na tulong ang kanilang mga gawain dito. At walang maibigay na kabutihan ang mga bagay na kanilang nagawa.
(Pagkasalin ng Kahulugan ng Qur’an: Hud 11: 15-16)
MGA PAYO
1.
Ang buhay ay hindi ninyo permanente o palagiang tahanan, sapagkat itinakda ng Allah ang katapusan nito at ang mga tao ay lilisan dito… Kung kaya, kaawaan kayo ng Allah, maghanda para sa paglalakbay sa pamamagitan ng paggamit ng pinakamabuting pamamaraan na nasa sa
inyo. Maghanda ng sapat na panustos para sa sarili para sa paglalakbay na ito, at katiyakan, ang pinakamabuting panustos ay ang Taqwa (takot sa Allah).
‘Umar bin Abdul Aziz
(Jami’ul ‘Ulum wal-Hikam, p. 379)
Life is a Fading Shadow, p. 14
2.
Sinabi ni Talq ibn Habeeb na sinabi ng Propeta :
Ang Taqwa ay ang pagsunod at pagsuko sa kagustuhan ng Allah, nang may paghahangad o pag-aasam na siya ay Kaawaan ng Allah at mabigyan ng liwanag at gabay, at ang pag-iwas sa pagsagawa ng mga bagay na sumusuway sa kagustuhan ng Allah dahil sa takot niya sa Allah.
Kitaabul Eeman No. 99, Ibn Abee Shaibah
Al-Albanee declared this as Saheeh
Abdul Azeez bin Abdullah bin Baz, Knowledge, p. 20
3.
Kung sinuman ang magkakaroon ang anim (6) na katangiang ito, matatagpuan niya ang daan tungo sa Paraiso at maiwasan niya ang Apoy:
1. Naniniwala siya sa Allah at isinuko niya ang kanyang sarili sa Allah;
2. Kilala niya ang demonyo at ito ay kanyang sinuway;
3. Alam niya ang katotohanan at ito ay kanyang sinunod;
4. Alam niya ang kamalian at ito ay kanyang iniiwasan;
5. Alam niya ang buhay dito sa mundo at ito ay kanyang tinalikuran;
6. Alam niya na may Kabilang Buhay at ito ay kanyang hinahangad.
Ali bin Abi Talib, Al-Ihya vol.3 p. 221
Life is a Fading Shadow, p. 17-18
4.
Inilagay ng Allah ang lahat ng kasamaan sa isang bahay at ang paghahangad sa makamundong bagay ay ginawa Niyang bilang susi para dito. Inilagay din ng Allah ang lahat ng kabutihan sa isang bahay at ang Zuhd (pagkamapagkumbaba, kabinihan, hindi pagkakaroon ng interes sa mundo) naman ang susi para dito.
al-Fudail, Al-Ihya vol. 4, p. 257
Life is a Fading shadow, p. 28
5.
Ang takot ng isang alipin sa Allah ay katumbas ng kayang kaalaman tungkol sa kanyang Panginoon. At ang pagtalikod niya sa mundo ay katumbas ng kanyang hangaring maging matagumpay sa kabilang buhay.
al-Fudail ayon kay Ibrahim al-Ash’ath,
as-Siyar vol. 8, p. 426
Life is a fading Shadow, p. 25
6.
Ang tindahan para sa Kabilang Buhay ay hindi sikat o bantog para sa mga tao ngayon. Kaya ngayon pa lamang, bumili na kayo mula dito dahil darating ang araw na kung saan ang lahat ng paninda nito ay magiging mahal o kakaunti na lamang, at sa panahon na iyon ay hindi ka na makakabili ng kahit kakaunti man lamang mula sa mga paninda nito.
Abu Hazim Salam bin Dinar
Hilyatul Auliya, vol. 3., p. 242
Life is a Fading Shadow, p. 38
7.
Mamuhay na parang ikaw ay lilisan, at hindi tulad ng parang ikaw ay pipirmi.
Sino ang magpapatayo ng bahay sa tuktok ng mga alon ng dagat? Ito ang talinghaga ng buhay dito sa mundo, kung kaya huwag ninyo itong gawin ng pirmihang tahanan.
Prophet Eisa /Jesus (‘alaihi salaam),
Jami’ul-Ulum wal Hikam, p. 379
Life is a Fading shadow, p. 38
8.
Ang kabutihan ay hindi makakamtan kapag ang inyong kamayaman at mga anak ay dumarami. Ang kabutihan ay makakamtan lamang kapag dumami ang inyong mga mabubuting gawain at kayo ay naging marunong (wise). Walang kabutihan dito sa mundo maliban sa dalawang tao lamang:
1. Ang siyang nagkamali subalit siya ay nagmadaling humingi ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan; at
2. Ang siyang gumagawa ng mabuting gawain.
Ali, Sifatus Safwah, vol. 1, 321
Life is a Fading shadow, p. 42
9.
Kayo ay hindi naging totoo sa inyong mga sarili. Hinahangad ninyo dito sa mundo ang mga bagay na hindi ninyo makakamtan; kayo ay nag-iipon ng mga bagay na hindi ninyo kayang ubusin; at kayo ay nagpapatayo ng mga gusaling hindi ninyo kayang gawing tirahan hangang sa walang hanggan.
(Abu Hurairah, Life is a Fading Shadow, p. 52)
10.
O Pinuno ng mga Mananampalataya, mag-ingat sa buhay dito sa mundo… Itong buhay ay hindi na-uubusan ng biktima. Ito ay nagdadala ng kahihiyan sa mga makapangyarihan at kahirapan sa mga nag-iipon para dito… Itong buhay ay ibinigay sa Propeta (s.a.w.) kasama na ang susi at
ang kayamanan nito, subalit ang mga ito ay kanyang tinalikuran. Ito ay dahil sa kanyang iniwasan ang mga bagay na hindi naibigan ng Allah at ginawa ng Allah na mababa ang halaga…
Hasan al-Basri, sulat para kay Caliph Umar (r.a.),
Iddatus Sabirin, p.331
Life is a fading Shadow, p. 56
11.
Sabi ng Propeta:
“Sa ngalan ng Allah, katunayan ako ang may pinakamatinding takot sa Allah mula sa inyong lahat, at ako ang pinakamabuti sa inyong lahat.
(Saheeh al Bukhari)
Knowledge, Abdul Aziz bin Abdullah bin Baz,p. 9
12.
Isagawa ang Hajj bilang paghahanda sa darating ng mga pangyayari; mag-ayuno sa araw na mainit bilang paghahanda sa haba ng Araw ng Muling Pagkabuhay; at itayo ang dalawang rak’ah sa kalagitnaan ng gabi bilang paghahanda sa kalungkutan sa loob ng libingan; magsabi ng mabuting salita lamang bilang paghahanda sa Huling Araw; magbigay ng kawanggawa para ikaw ay mailigtas sa anumang kahirapang darating…
Abu Dhar al-Ghifari, Life is a Fading Shadow, p. 60-61
13.
O mga Taong may Taqwa! hindi kayo ginawa ng para magdusa, kung hindi para ang maglakbay mula sa iba’t-ibang yugto ng buhay. Kayo ay inilipat mula sa lomo (loins) ng inyong mga ama hanggang sa sinapupunan ng inyong mga ina, pagkatapos mula sa sinapupunang iyon hanggang sa marating ninyo ang buhay dito sa mundo, at mula dito sa mundo hanggang sa loob ng inyong mga libingan, at mula sa mga libingan kayo ay tatayo sa loob ng isang napakalaking pagtitipon, at mula doon kayo ay tutungo sa mga pipirmihan ninyong mga tirahan, ito ay maaring sa Paraiso o sa Apoy lamang.
Bilal bin Sa’d, As-Siyar, vol. 5, p. 91
Life is a Fading Shadow, p. 64
14.
Sa paglipas ng araw at gabi, mababawasan ang oras ng inyong mga buhay, subalit ang inyong mga ginawa ay lahat nakasulat at nakatala. Ang kamatayan ay darating ng biglaan, at sinuman ang nakapagtanim ng kabutihan, ay mag-aani ng kabutihan; at kung sinuman ang nakapagtanim ng kasamaan ay mag-aani ng kaparusahan. Kasiguraduhan, ang lahat ng aanihin ng bawat magsasaka ay galing sa itinanim niyang punla… Ang pinakapinuno sa lahat ng mga may takot sa Allah ay silang may kaalaman tungkol sa Kanyang relihiyon, at ang pag-upo kasama nila ay katunayan nakakapagdulot ng napakalaking kabutihan.
Abdullah ibn Mas’ud, As-Siyar vol. 1, p. 497
15.
Tayo ay naghahanap ng apat na kabutihan subalit ang mga ito ay hindi natin natagpuan dahil hindi natin hinahahap ang mga ito sa kanilang kinalalagyan:
1. Hinanap nating ang kaginhawaan sa pera subalit ang kaginhawaan ay matatagpuan lamang sa pagiging panatag at matiwasay;
2. Hinanap natin ang kaginhawaan sa pagkakaroon ng marami subalit ang tunay na kaginhawaan ay matatagpuan lamang sa pagkakaroon ng kaunti;
3. Hinanap natin ang kadakilaan sa pagkakaroon ng magandang pangalan subalit ang tunay na kadakilaan ay matatagpuan lamang sa Taqwa; at
4. Hinanap natin ang kaligayahan sa pagkain at mga pananamit subalit ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan lamang sa pagiging mapagkumababa at kabinihan (modesty).
Nasr as-Samarqandi, Tanbihul Ghafilin, p. 128
Life is a Fading Shadow, p. 69-70
16.
“Ang kahinaan ng katawan ay nagmumula sa pagkakaroon ng sakit, samantalang ang kahinaan ng puso ay mula sa paggawa ng kasalanan. Hindi malalasahan ng tao ang pagkain kapag siya ay maysakit. Hindi matitikman ng puso ang katiwasayan sa pagsamba kapag ito ay makasalanan.”
Dhunu al-Misri, Hilyatul Auliya vol 3. p. 233
17.
“Ang bawat tao na may pagmamahal sa mundo ay takot makasalubong ang kamatayan, samantalang silang tumalikod sa mundo ang silang naghahangad na makatagpo ang kanilang Panginoon.
Bishr al-Harith, as-Siyar, vol. 10 p. 476
Life is a Fading Shadow, p. 75
Nawa ay gabayan tayo ng Allah, Ang Kataas-taasan, para maunawaan nating
lubos itong mga ginintuang paalaala tungkol sa buhay dito sa mundo. Maraming mga
tao ang matatalas ang isipan subalit matitigas ang puso. Nawa ay iligtas tayo ng Allah, Ang Lubos na Mahabagin, mula sa pagiging bulag, bingi, at manhid sa katotohan. Katotohan, ang
tao ay walang kakayahan at walang kagalingan maliban lamang sa kakayahan
at kagalingang ipinagkaloob sa kanya ng Allah. Maging masigasig tayo sa ating pagsamba sa
Kanya, bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa atin na hinding-hindi
Natin kayang tumbasan o mabayaran.